Advertisers

Advertisers

3 nasawi, 14 sugatan sa pumutok na gulong ng van

0 6

Advertisers

NASAWI ang tatlo katao at 14 ang sugatan na pawang magkakamag-anak nang pumutok ang gulong ng sinasakyang van sa Tarlac – Pangasinan – La Union Expressway (TPLEX).

Nasawi ang 76-anyos na babae at dalawang lalaki na edad 30 at 32.

Sugatan naman ang 14 pasahero ng van kabilang na ang drayber nito.



Nangyari ang insidente 9:00 ng umaga ng Sabado, Pebrero 10, habang binabagtas ang TPLEX sa Tomana West, Rosales, Pangasinan.

Pumutok ang gulong ng van at sumadsad ito sa barrier ng expressway at nagpaikot-ilkot.

“Ang tantiya ko du’n, overload po. Kasi ‘yung gulong ng… ano nu’n eh 14-15. Eh ang sakay niya is 17. Siyempre long distance, hindi nakayanan ng gulong… pumutok,” pahayag ng imbestgador na Police CMS Marlon Pala ng Rosales Police.

Galing ng Caloocan ang magkakamag-anak at patungo sana sa Manaoag, Pangasinan para magsimba.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">