Advertisers

Advertisers

5 airport police na nangikil sa pasaherong Chinese sa NAIA, kinasuhan

0 13

Advertisers

SINAMPAHAN na ng reklamo ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang limang tauhan ng Airport Police Department na sinasabing nangikil sa isang Chinese national na naghatid ng kaibigan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay Lt. Colonel Alfred Lim, hepe ng PNP AVSEGROUP sa NAIA 3, ‘robbery extortion’ ang kanilang inihain sa Pasay Prosecutor’s Office.

Sa salaysay ng biktima, maghahatid siya ng kanyang kaibigan na isa ring Chinese national nang lapitan sila at sitahin ng limang APD personnel. Hinanapan aniya siya ng pasaporte, pero dahil hindi naman siya ang bibiyahe hindi niya dinala ang kanyang passport pero pinakita niya ang screen shot sa kanyang cellphone. Dito na siya kinikilan ng P15,000 ng mga tauhan ng APD kapalit ng hindi raw pagkulong sa kanya.



Napilitan aniya siyang magbigay ng naturang halaga para hindi siya makulong.