Advertisers

Advertisers

Hanging bridge naputol: 1 patay, 38 sugatan

0 22

Advertisers

NASAWI ang isang lalaki at 38 ang sugatan nang maputol ang tinatawirang hanging bridge sa bayan ng Kapalong, Davao del Norte.

Kinilala ang nasawi na si Castillo Adot, 57 anyos, ng Purok 2 Taguango, Sua-on, Kapalong.

Nakaligtas naman ang 38 katao kabilang ang 13 bata at 25 na nasa tamang edad nang tulungan ng mga residente at rescuers.



Sa report, 8:20 ng umaga ng Lunes nang maganap ang insidente.

Ayon sa mga awtoridad, bago ang insidente nagpaalala sila sa mga residente na huwag huminto sa gitna ng tulay habang tumatawid dahil kinakalawang na ang mga bakal sa gilid na bahagi.

Dahil sa lakas ng ulan at hangin, biglang naputol ang tulay, dahilan para anurin ang mga biktima sa sapa.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Kapalong Disaster Risk Reduction and Management Office, nasagip ang 38 katao at nakita ang palutang-lutang na bangkay ni Adot sa bahagi ng Purok 1 Florida.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">