Advertisers

Advertisers

Higit 500 bahay naabo sa sunog sa 2 barangay sa Palawan

0 13

Advertisers

DAAN-DAANG tirahan ang tinupok ng mala-impyernong apoy sa sunog sa Puerto Princesa City, Palawan nitong Miyerkules ng madaling araw, Pebrero 7.

Ayon sa ulat, tinatayang nasa 300 tirahan ang nasunog sa Barangay Pagkakaisa habang mahigit 300 bahay din ang naabo sa Barangay Bagong Silang.

Dahil dito, libo-libong residente ang kinailangang lumikas nang madamay ang kanilang mga bahay sa matinding sunog sa lungsod.



Nagpapatuloy pa ang assessment para sa eksaktong bilang ng mga indibidwal o pamilyang nasunugan ng bahay.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.