Advertisers

Advertisers

Gisahin sa kongreso si Lascanas, now na!

0 49

Advertisers

DETALYADO ang mga isiniwalat ng umaming hitman ng notoryos na “Davao Death Squad” na si retired police Arturo Lascanas laban sa dalawang anak ni ex-President Rody “Digong” Duterte na sina Davao City 1st District Representative Paolo or “Polong” at Vice President Sara Duterte-Carpio.

Dapat imbestigahan ng kongreso para malaman kung may katotohanan o tahi-tahi lang ang mga pinagsasabi nitong Lascanas. Aba’y malalaking pangalan sa politika, dating First family, itong mga inaakusahan niya, House Speaker Martin Romualdez, Sir!

Oo! Tama si dating Senador Antonio Trillanes sa kanyang panawagan. Na dapat magkaroon ng congressional inquiry sa umano’y pagkakasangkot ng dalawang anak ni Digong sa extrajudicial killings, illegal drug trade at smuggling.



Ginawa ni Trillanes ang kanyang apela sa House of Representatives na himayin ang mga bagong alegasyon ni Lascañas laban kina Paolo at Sara tungkol sa umano’y illegal activities sa kanilang lungsod sa Davao.

Sinabi kasi ni Lascañas, sa panayam ng Justice reporters sa pamamagitan ng Zoom at ng reporter ng VERA Files na si Antonio Montalvan ll, na ang ‘Oplan Tokhang’, ang controversial anti-drug campaign ng Duterte administration, ay brainchild ni VP Sara noong alkalde ito ng Davao City. At ang vice mayor niya noon na kanyang utol, si Paolo or “Polong”, ang umano’y nagpapatakbo ng clandestine drug smuggling syndicate, sabi ni Lascanas.

“Nananawagan ako sa House of Representatives na imbestigahan ang mga mabibigat na paratang ni Sgt. Arturo Lascañas laban sa pamilyang Duterte, na ang mga ito ay involved hindi lang sa EJKs, pati narin sa illegal drug trade at smuggling. Dito makikita ng taumbayan kung s’ya nga ba ay nagsasabi ng totoo o hindi,” post ni Trillanes sa X (dating Twitter) nitong Feb. 6.

Giit niTrillanes, si Lascañas ay pinigilan sa pagprisinta ng kanyang mga nilalaman sa Senate inquiry noong 2017 gawa ng “pro-Duterte” senators.

“Napigilan nila noon, pero ang katotohanan parin ang mananaig sa huli,” diin ng palabang dating Senador.



Binira rin ni Trillanes ang isa pang utol nina Polong at Sara na kasalukuyang mayor ng Davao City na Sebastian “Baste” Duterte: “Kabastusan runs in the family”.

Sinagot din ng punto por ponto ni Trillanes ang post sa X ng kapwa niya dating senador at mistah na si Panfilo “Ping” Lacson matapos sabihin ng huli na: “Without any corroborating witness or physical evidence to support his testimony, Arturo Lascanas, a flip-flopping witness during our Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs public hearings cannot withstand the standards of a fair trial.”

Sagot ni Trillanes: “1. There are corroborating witnesses, 2. Recantations are valid depending on circumstances. In Lascanas’s case, it was clearly justified. An investigator determined to ferret out the TRUTH should know this. 3. The Senate inquiry that time was dominated by pro-Duterte senators determined to shut his voice. 4. There is no basis to assume that the ICC will nit be fair.”

Between Lacson and Trillanes, mas may dignidad itong naging rebel soldier na nakapag-expose ng maraming katiwalian ng mga dating matataas na opisyal ng pamahalaan tulad nina ex-Vice President Jojo Binay at ex-President Gloria M. Arroyo.

Si Lacson naglalaro lang ito sa kung sino nasa puwesto o sa llamadong mapunta sa Malakanyang. Takbo uli ito sa 2025.