Advertisers
Sa resolusyong isinusulong na pag-amyenda sa ilang probisyon sa 1987 CONSTITUTION ay hindi maaaring madaliin o i-railroad ng ating mga MAMBABATAS .
Ang puntong ito ang siyang paninindigan ni SENATE PRESIDENT MIGUEL “MIGZ” ZUBIRI na sinasang-ayunan din nina SENATE SONNY ANGARA na siyang CHAIRPERSON ng SENATE SUB-COMMITTEE ON CONSTITUTIONAL AMMENDMENTS AND REVISION OF CODES at iba pang kapwa SENATOR na kailangang busisiing mabuti ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses (RBH) no.6.
Ang LEGISLATURE ay DELIBERATIVE.., na ang ibig sabihin ay kailangan maingat na pag aralan at himaying mabuti ang mga panukala upang matiyak na makabubuti ito sa mayoryang PILIPINO.
Maaaring nasanay na marahil ang mga KONGRESISTA lalo na sa kasalukuyang 19th CONGRESS na i railroad at mabilisan ang pagpapatibay ng mga panukalang batas na lilitaw na “BARA-BARA” ang kanilang aksiyon.
Sa paliwanag nga nitong si SP ZUBIRI ay hindi magpapa-pressure ang SENADO sa mga ibinibigay na deadline ng mga KONGRESISTA.., na ang gusto ng mga ito ay agad aprubahan ngayong buwan ng Marso at isalang sa plebisito sa Hulyo ngayong taon ang mapagtititibay na AMIYENDA sa KONSTITUSYON.., at ang target ng SENADO na maisalang sa PLEBISITO ang maaprubahang AMIYEBDA ay sa taong 2025 na isasabay na sa eleksiyon.
Tama nga naman ang SENADOR at makikita natin ang malasakit ng mga ito sa pangunguna ni SP MIGZ ZUBIRI na bilyong piso ang gagastusin sa plebisto., kaya naman mas makatitipid kung maisasabay ito sa 2025 ELECTIONS.
Dapat ay isipin ng mga KONGRESISTA ang PONDO na gagastusin sa PLEBISITO., dahil ito ay mula sa buwis ng taumbayan na maaring mailaan pa sa ibang proyekto ng gobyerno na pakikinabangan ng mamamayan.
Ika nga.., kung totoo ang layunin ng mga KONGRESISTA na mapabuti ang kalagayan ng sambayanan ay dapat maging masinop ang mga ito sa pag-gastos sa buwis ng bayan tulad ng pagmamalasakit ng mga SENADOR sa pamumuno mismo ni SP ZUBIRI.
Mga ka-ARYA.., marapat lamang na i-respeto ng mga KONGRESISTA ang SENADO na nagnanais lang na repasuhing mabuti ang RBH no.6 para matiyak na mas magiging malaki ang pakinabang nito sa taumbayan.
Ang punto natin.., ay itigil na ang bangayan at sa halip ay maaring tumulong na lang ang HOUSE OF REPRESENTATIVES na magpaliwanag sa publiko sa magandang layunin ng RBH no.6 sa halip na i-pressure ang mga SENADOR na madaliin ang pagpapatibay at maisalang sa plebisito sa darating na July 2025!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.