Advertisers

Advertisers

Vice Ganda may patama sa PBBM gov’t.

0 13

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

MAY patutsada ang Unkabokable Superstar na si Vice Ganda sa gobyerno. Ito ay hinggil sa kasalukuyang pinag-aaralan umanong ipapalit sa 12k curriculum ng Department of Education, huh!
Kilala ang sikat na TV host sa pagiging prangka at anumang gustong sabihin ay deretsahang sasabihin niya na kadalasan nga ay idadaan pa niya sa biro, huh!

Sa nakaraang episode ng programang “It’s Showtime” ng Kapamilya channel kung saan main host si Vice ay deretsahang nagpatutsada ang sikat na TV host.
Tinanong kasi ng isa sa co-host ni Vice na si Karylle ang grade 4 pupil na contestant kung ano ang favorite subject nito, huh!



Agad sumagot ang bata na Math daw at humirit pa ng tanong si Karylle kung ano naman ang pinag aaralan nila sa Math.
Walang gatol namang sumagot ang bata na “division” daw, huh!
“Division?? They also study that in thé government. Division in thé government. They used to study Unity now Division.”

“Grade one Unity, Grade 2 Division,” napatawang hirit ni Vice Ganda, huh!
Incidentally, Last Sunday nagkaroon ng “Bagong Pilipinas” rally ang mga kakampi ni PBBM sa Quirino Grandstand na sinabayan naman ng prayer rally daw ng mga Duterte na ginanap naman sa Davao City.
Sa naturang rally ng mga Duterte ay tinawag na “drug addict” ng dating pangulo si PBBM.
So, may division nga sa dating Unity team, huh!

***
KINUMPIRMA sa amin ng isang kaibigan na malapit sa aktor na si Jericho Rosales ang isyung hiwalay na ang aktor sa asawang si Kim Jones.
Ayon sa kausap namin ay matagal na raw hiwalay ang dalawa at kung nakikitang magkasama sina Jericho at Kim sa mga nakaraang showbiz happening yun daw ay pakitang tao na lang but in fairness daw ay pinilit naman ng dalawa na ayusin ang gusot sa kanila nung mga panahon na yun, huh!

Pero ngayon daw ayon pa sa source namin ay kapwa suko na ang dalawa at tatanggapin na ang katotohanan na walang “forever” sa relasyon nila.
Abangan ba lang natin kung magsasalita pa si Echo hinggil sa isyu na matagal din nilang naitago, huh!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">