Advertisers

Advertisers

Carla walang takot at kaba sa pagbabalik-Kapuso ng ex-mister na si Tom

0 12

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

HINDI alam ni Carla Abellana na bumalik na sa Pilipinas si Tom Rodriguez!
Dalawang taon mula nang sila ay maghiwalay at pansamantalang mamalagi si Tom sa Amerika, naririto na muli ito upang ituloy ang kanyang showbiz career bilang Kapuso.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabi ni Carla na, “I didn’t even know ngayon ko lang nalaman.

“I don’t feel intimidated, scared, nervous,” lahad pa ng Kapuso actress tungkol sa kung ano ang emosyong nararamdaman niya tungkol dito, “Wala namang ganoon.
“Of course artista siya may obligation siya. He’s a Kapuso, dadating naman talaga yung day na babalik siya sa trabaho.
“Hindi naman maiiwasan yan. I’ve thought about it many times, expected naman yan, nobody just knew when.



“I think naman okay lang. Ready naman ako. Hindi naman ako yung type na, ‘Ay ayoko!’ or avoidance or what. It’s inevitable, ‘ika nga.”
Samantala, kaka-renew lamang ni Carla ng bagong kontrata sa GMA kung saan present ang mga bosses ng GMA Network na sina GMA Network’s Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President and CEO Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong, at Senior Vice President for Entertainment Group, Lilybeth G. Rasonable. In attendance rin siyempre ang boss ng Triple A Management’s President and CEO na si Michael Tuviera dahil co-managed nila si Carla with GMA.

Bonggang-bongga ang career ni Carla dahil napapanood pa siya sa Stolen Life with Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion ay nagte-taping na rin si Carla para sa upcoming series na Widow’s War with Bea Alonzo.

***
LIANNE VALENTIN HAPPY SA PAGGANAP NA ATTY. SA SERYE
SAYANG at wala si Lianne Valentin sa mediacon ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2 kaya hindi namin siya natanong kung kumusta ang pagganap niya for the first time bilang isang abogada sa serye nina Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. (as Tolome) at Beauty Gonzalez (as Gloria).

Sa interbyu kay Lianne ng GMANetwork.com nagkuwento ang aktres.
Lahad ni Lianne, “Isa akong attorney dito and isa ako sa mga katulong nila kapag kailangan nila ng isang attorney. “Iba ito sa mga nagawa kong role before so kailangan ko talagang mag-research, pag-aralan nang mabuti yung role ko talaga, and paano ako mag-i-incorporate ng mga pasundot-sundot na comedy dito sa role ko na ‘to.
“Happy ako and very excited!”

Masaya siyempre si Lianne working with Senator Bong and Beauty at iba pang cast members ng serye na magsisimula na sa February 4, 7:15 ng gabi.
“Very happy,” bulalas ni Lianne na gumaganap bilang Atty. Loretta Montecillo. “Si Ate Beauty, matagal ko na siyang nakikita, matagal ko na siyang napapanood. Actually, nasabi niya sa akin na nanonood siya ng Apoy Sa Langit before. Happy ako na finally makakatrabaho ko na siya.



“Si Senator Bong, excited akong makatrabaho siya. “Actually noong nag-taping kami, sobrang fun lang niya kausap, sobrang light lang ng environment kapag kasama sina Senator Bong. Ang sarap lang na makatrabaho sila kasi very friendly, very collaborative, and very creative rin sa eksena na talagang tatawa ka.”

Nasa cast din ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2 ng GMA sina Carmi Martin as Lucing, Jestoni Alarcon as Police Colonel Gener Alberto, Ejay Falcon as Police Captain Ace Catacutan, Liezel Lopez as Jacqueline “Jacq” Dela Torre, Niño Muhlach as Sergeant Sylvester Salonga, Dennis Padilla as Police Major Vincent Policarpio, Maey Bautista as Kapitana Candida, Raphael Landicho as Kiko, Nikki Co as Dustin, Angel Leighton as Master Sergeant Pretty Competente, Jeffrey Tam as Onofre “Bunso” Batumbakal.

Nasa cast din bilang special guest stars sina Max Collins as Elize, Kelvin Miranda as Gary, Herlene Budol as Mia, Dion Ignacio as Blake, Celeste Cortessi as Diamond Ricci, Mika Salamanca as Megan Espinosa at Sanya Lopez as Mildred Darlene Yabut pati na rin sina Ramon Christopher Gutierrez as Redentor Pigsart, ER Ejercito as Juancho “Kamao” Dehado, Roi Vinzon as Vito Poblete, Jay Manalo as Pancho Blanco, , Antonio Aquitania as Rafael “Paeng” Advincula, Brent Valdez as Alfred, MJ Ordillano as Harry, at Michael De Mesa as Luther Abueva.
Ito ay sa direksyon ni Enzo Williams.