Advertisers

Advertisers

PAGHIWALAY NG MINDANAO

0 66

Advertisers

NAGTANONG lang si Gongdi ng banggitin niya ang posibilidad ng paghiwalay ng Mindanao sa Filipinas. Hindi niya madiretso kasi alam niya na haharap uli siya sa isang sakdal sa hukuman lokal. Maaari siyang isakdal ng treason o sedition o kahit ang dalawang krimen kapag tuwiran na itinaguyod ang paghiwalay ng Mindanao sa Republika.

Kinasangkapan ni Gongdi si Bebot Alvarez sa pagbanggit sa paghiwalay ng Mindanao mula sa Republika. Ipinalalabas na ideya ni Alvarez ang paghiwalay ng Mindanao sa Republika. Hindi niya mungkahi. Si Alvarez umano ang nagsimula ng ganitong paninindigan na humiwalay ang Mindanao sa Republika.

Kundi ba takot o nerbiyoso, mahina ang loob at tuhod, at sagana sa kayabangan at kabalbalan, hindi madiretso ni Gongdi na nais niya humiwalay ang Mindanao sa Republika upang ganap siyang makalusot sa bitag ng International Criminal Court (ICC) kung saan nahaharap siya sa sakdal na crimes against humanity kaugnay ng maramihang pagpatay sa mga pinaghihinalaang adik at tulak noong siya ang pangulo. Duwag na duwag si Gongdi. Labis labis ang kanyang kaba, takot, at pangamba sa kahihinatnan kung dito siya babasahan ng sakdal.



Iminungkahi ni Gongdi na maaaring mangalap ng lagda ang grupo ng mga DDS upang tuluyang humiwalay ang Mindanao sa Republika. Kung hindi ba siya mangmang, hindi makukuha sa signature campaign ang pagjhiwalay ng Mindanao sa Republika ng Filipinas. Hindi ganyan kasimple ang isyu.

Sinubukan ng mga separatistang Muslim ang humilay sa Filipinas noong panahon ni Ferdinand Marcos Sr. noong dekadang 1970. Walang nangyari kahit nakialam ang Organization of Islamic Countries (OIC) sa isyu. Kahit may simulain, organisasyon, armas, at gumamit ng dahas. Hindi nila nakuha ang kanilang nais.

Walang simulain si Gongdi at walang organisasyon. Ang mayroon sa kanya ay DDS. May armas, ngunit hindi marami upang ugain ang Republika. Ang mayroon siya ay yabang at pera. Wala siyang simulain. Gusto lang niya makalusot sa ICC. Kaya maigi na tumigil na siya at huwag na natin pansinin. Nanggugulo lang si Gongdi.

Wala rin siyang nagawa upang umunlad ang Mindanao. Nananatili itong nakabaon sa kahirapan at kamalasan. Madalas ang baha. Wala siyang ginawa upang maharap ng mga mamamayan ng Mindanao ang mga suliranan ng pag-unlad. Hindi si Gongdi ang kailangan ng Mindanao. Hindi ang paghiwalay nito ang solusyon sa problema nila doon.
***
HINDI namin alam kung normal mag-isip ang ilang kagawad sa Quezon City. Idinaing sa amin ito ng isang kaibigan na maliit na empleyado sa gobyerno. Tungkol ito sa kanyang anak na person with disability (PWD). Gusto niya na magkaroon ang anak na PWD ng ID upang maka-avail ng gamot. May edad na 40 anyos ang anak na PWD. Malaking tao at may diperensiya sa pagkilos. Super hyper at tumatakbo kapag inilabas ng bahay.

Hindi maaring ilabas ng bahay dahil nagtatakbo at mahirap mahuli. Gusto ng nanay na ma-renew ang PWD ID ng anak, ngunit nais ng Office of PWD ng Quezon City na makita talaga yung anak niya. Wala sanang problema doon kung sasadyain ng mga tauhan ng QC Office of PWD, ngunit iginigiit nila na dalhin sa kanila. Ayaw silang akuin ang pananagutan na sila ang huhuli o mananagot kung makapinsala ang anak na PWD.



Hindi namin alam kung ano ang takbo ng pag-iisip ng mga taong gobyerno. Hindi ba katangahan na ito? Kayo Ang humusga. Kumpleto ng barangay certification na indigent ang pamilya.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “My own view on this is motivated by self-interest. If a Duterte-led military coup succeeds, many of us in the progressive movement will be killed. There will be no peace process, no freedom of speech, zero civic space left. If the Marcos-Romualdez group wins, Duterte will be sent to The Hague and Sara Duterte will not become President in 2028. In a worst case scenario of a Marcos-Romualdez win, there will be Charter change which we can still oppose through the two planned referendums and even if the parliamentary system is changed, we will still have the freedom of speech and the political and civic space to contest power.” – Tony La Vina

“For someone desperate to package himself as a “defender” of the Constitution, ambilis manawagan ng pag-aklas ng pulis/military at, ngayon naman, secession. Malinaw na di ito tungkol sa prinsipyo, sa Konstitusyon, o sa bayan. Gahaman lang talaga sa poder. (At takot sa ICC )” – Barry Gutierrez, netizen

“When your father continually attacks the incumbent President and threatens to secede Mindanao from the country, your brother calls for the President’s resignation, and your allies and troll armies amplify all these, maybe it’s time to resign from the cabinet.” – Teddy Casino, netizen

“If you are posting to mock the Dutertes and the Marcoses for what you see as a verbal brawl last weekend, you could not have been more wrong. Sorry, but I am not seeing what you’re seeing. The noise is actually coming from just one side of the aisle, and that’s from the Dutertes. Speaker after speaker, they slammed BBM and his administration. Many times it got too personal. On the other hand, did you hear any negative thing from the Bagong Filipinas rally speakers or performers? No. I heard only positive things there. ‘What was the rally for,’ you ask? I think BBM wanted to use it as an opportunity to RESET EXPECTATIONS. He needed it to set the operational tempo for the new year. Again, as for the so-called verbal brawl, no, there was no hurling insults or invectives from the President’s side. I do admire him and his people for taking the high road. Even BBM’s ‘dig’ of the ex-President during a snap interview was done with sweet grace and class. He was not accusatory or critical at all. He only said that ‘Fentanyl must be wreaking havoc on the old man’s health,’ or words to that effect.” – William John Balderrama, netizen

“Former Pres. Duterte’s speech over the weekend confirned that he is indeed doing “tokhang” and even insinuated that BBM could be a target if only he was still the president. Additional proof that the ICC can use on Duterte and his allies.” – Max Montero, netizen
***

Email:bootsfra@yahoo.com