“GG” Movie Nina Donny At Maricel May Kurot Sa Puso, Showing In 197 Cinemas Nationwide; Marion Aunor Magpapakilig Sa Valentine Concert Sa Viva Cafe
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SOBRANG dami ng mga nanood at full house talaga ang Red Carpet Premiere ng first Esport movie sa bansa na GG o Good Game movie sa Cinema 2 ng SM Megamall last Tuesday.
Star studded ang said premiere night headed by the lead cast Donny Pangilinan and his Mom Maricel Laxa and co-stars in “Can’t Buy Me Love” sa pangunguna ng ka-loveteam na si Belle Mariano, Vivoree at Anthony Jennings na kapartner ni Maris Racal. Sinuportahan din si Donny ng tiyuhing si former Senator Francis “Kiko” Pangilinan at anak nito na si Miguel, Christine “Tintin” Bersola na Bff ni Maricel at Andrea Brillantes at syempre ng buong cast na sina Baron Geisler, Igi Boy Flores, Gold Azeron, Johannes Risler at Kaleb Ong. Ang GG ay hindi lang kwento ng mga gamer na Tokwa’t Bad Bois na pinamumunuan ni Coach Kurt played by Baron at lider nito na si Seth (Donny).
Kundi kwento rin ito ng mother and son portrayed by Donny and mother Maricel. Tagos sa puso at may kurot ang bawat eksena ng mag-ina na bumabawi sa kanyang anak. Dahil noong sanggol ito ay kanyang ibinigay sa kanyang mother na si Boots Anson Roa. At noong mamatay si Tita Boots ay sa mundo ng Egames na umikot ang mundo ni Seth na hindi maka-relate sa bagong pamilya na kasama sa bahay na Mommy na si Maricel at stepfather na si Christian Vasquez at young stepbrother maging ang gumaganap na lolo na si Ronaldo Valdez.
Kaya pati pag-aaral ay napapabayaan na ni Seth dahil gusto nitong maipanalo ang laban nila sa Egames competition. Pero sa huli ay bigo at dito na inayos ang sarili. Acting wise grabe yung scene na nagyakapan sina Donny at Maricel talagang carried away kaming lahat sa sinehan at naiyak kami sa very heartwarming na scene na ito. At wow, lalong humusay ang acting ni Donny, mana siya sa galing ni Maricel na umiiyak talaga sa eksenang yun. Marami pa kayong mapapanood na makare-relate much kayo. And yes, kapupulutan ito ng aral ng mga manonood lalo na sa broken family. Tribute rin bale ang GG sa mga Gamer sa buong mundo. And for me, perfect cast ang lahat ng kasama sa movie also sa director nito na si Prime Cruz.
Congratulations to Sir Anthony Pangilinan, Maricel Laxa, Donny and sister Hannah Pangilinan ng Mediaworks also to Media Quest, Create Cinema at Cignal Entertainment at nakabuo sila ng ganito kaganda at very interesting to watch na pelikula.
Showing na in 197 cinemas Nationwide ang GG and majority ng mga manonood ay kapwa GEN-Z ng Tokwa’t Bad Bois. Maraming naka-schedule na block screening na majority ay sponsor ng mga fans at kaibigan ni Donny at ng kanyang pamilya. Actually, pwedeng i-recommend ng DEPEd ang GG movie para mapanood ito sa mga school.
***
NAG-umpisa lang sa kanyang FB Page ang katanungan ni sikat na Viva artist na si Marion Aunor na kung magkakaroon ba siya ng Valentine show ay panonoorin ito ng kanyang fans?
At dahil marami ang tumugon sa kanyang FB watch nila si Marion sa show na gagawin. Hayan, wish granted sa lahat ng humiling. At sa mismong araw ng mga Puso, February 14 ay may Valentine Concert si Marion sa Viva Cafe na located sa Ground Floor ng Cyber Park Tower 1 (near SM Cubao) Araneta City. The show will start at 8:00 PM and ticket price: VIP-P1500 and P800 for Regular. Tiyak na lalong maiinlab at kikiligin ang mga lovers o kahit mga single sa mga inihandang repertoire ni Marion na karamihan ay mula sa kanyang mga hit song.
Kakantahin din nito ang latest single na “NAHULOG,” most viewed sa Youtube Channel na WILD DREAM RECORDS, na sariling music label ni Marion. Kaya doon sa mga walang ka-date ay watch niyo ang nasabing Valentine Concert ni Marion, at malay niyo dito niyo matagpuan ang inyong magiging special someone. Syempre, darating sa concert ang famous businesswoman dear mom and sister ni Marion na sina Ma’am Maribel Aunor at Cool Cat Ash (Ashley) na all-out lagi ang support sa kanyang singing and acting career.
After pala ng successful guesting ni Marion sa Roadshow ng WISH 107.5 ay nag-guest din siya ng live sa Newsroom Weekend sa CNN Philippines. Ang saya ng live interview kay Marion sa show at kinanta niya rito ang Nahulog, na nagustuhan agad ng mga host at sobrang ganda naman kasi ng lyrics at melody nito.