Advertisers

Advertisers

Babu na sa Star Magic…Kathryn lilipat na sa management ni Maja?

0 15

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MALAKAS ang bulung-bulungan na tuluyan nang lilipat ng bagong mamamahala sa karera ni Kathryn Bernardo.

Hindi na raw muling pumirma si Kathryn ng panibagong kontrata sa Star Magic.



May mga sitsit na lilipat na umano ang aktres ng bagong home network.

Wala na nga rin daw silbi kung pipirma pa siya ng new contract dahil wala na itong ka-loveteam dahil nakipag-break na ito sa dating katipan na si Daniel Padilla.

Ugong ugong na sa Crown Artist Management daw lilipat si Kath na pag-aari ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Mapapabilang na raw si Kathryn kina John Lloyd Cruz at Miles Ocampo.

Dahil tuluyan na wala na ang anino ni Daniel ay nakuda naman ng netizens na baka ito na anya ang tuluyan na paglamlam ng karera ng  ex-bf ngayong wala na itong ka-loveteam.



***

Star Magic itinangging lilipat ng management si Daniel Padilla

SIMULA ng break up ng KathNiel ay lumakas na ang ugong na lilipat na ng management si Daniel Padilla.

May sitsit pang tatanggalin na raw ito sa Star Magic.

Pero sa balitang ipinalabas sa TV Patrol pinabulaanan ng Star Magic na lilipat na ng management si Daniel at di na pipirma ng kontrata.

Mananatili umano si Daniel sa poder ng Star Magic.

Kung ano nga raw ang maging desisyon nina Daniel at Kathryn Bernardo ay irerespeto at susuportahan pa rin  ng ABS-CBN at Star Magic.

Well, well, well…’Yun na!