Advertisers

Advertisers

Estudyante naghihintay ng masasakyan, patay sa bangga

0 11

Advertisers

NASAWI ang isang estudyante habang naghihintay ng masasakyan papunta sa paaralan nang mabangga ng isang sasakyan sa Gatas, Kalawit, Zamboanga del Norte nitong Martes, Enero 23, 2024.

Kinilala ang biktima na si Jaira Mae Angel Atig Abao, 2nd year student sa Medina.

Ayon sa Kalawit MPS, naghihintay si Jaira ng pampasaherong sasakyan papunta sa paaralan, nguni’t biglang may dumating na sasakyan at nabangga ang biktima.



Sa report, inaantok ang driver habang nagmamaneho, kung kaya hindi niya namalayan na binangga nito ang estudyante at naipit sa ilalim ng sasakyan.

Nakita pa ng ina ang aksidenteng nangyari, ngunit hindi niya inaasahan na ang kanyang anak pala ang biktima.