Advertisers
NASAWI ang isang barangay kagawad nang pumailalim ang kaniyang motorsiklo sa kasalubong na oil tanker sa Viga, Catanduanes.
Sinabi ng Viga Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Rogelio Torcuator, 58 anyos, kagawad ng barangay sa Tinago, Viga.
Sumuko naman ang driver ng oil tanker truck na si John Abarca, 34, ng nasabi rinG bayan.
Sa report, pumasok sa kabilang linya ng kalye ang barangay kagawad kaya siya sumalpok sa oil tanker at nakaladkad.
Nasa kutodiya ng pulisya si Abarca habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.(Mark Obleada)