Advertisers
NAPASABAK sa kakaibang pagresponde ang mga pulis at isang bumbero nang isang buntis na pasahero ng bus ang nakaramdaman na manganganak na sa Calapan City.
Galing sa bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro ang pampasaherong bus Angel Star lulan ang mag-asawang Rommel Dela Torre at ang pitong buwan buntis na si Mary Ann.
Patungo ang mag-asawa sa ospital sa Calapan City para magpa-check up, pero sa bayan pa lamang ng Naujan ay nakaramdam na ng pananakit ng tiyan ang misis.
Sakto namang pasahero ng bus ang pulis na si CCI Meynard Fabella kaya nakahingi siya ng tulong sa mga kasamahang pulis.
Dahil malapit lamang ang Police Community Precinct 2 Sta. Isabel, agad nakaresponde sina SSG Ryan Joseph Fajilan, CPI Beaulah Marzhall Alfante, at ang bumbero na si FO3 Joseph Orgas ng Calapan City Fire Station.
Nagkataon na nursing graduate ang pulis na si Alfante kaya may kaalaman siya sa pagpapaanak, habang tumutulong ang kaniyang mga kasamahan.
Alas-10:00 ng umaga ng Lunes, isinilang ang baby boy na pinangalanang Angel hango mula sa pangalan ng bus.
Nakarating din sa Oriental Mindoro Provincial Hospital ang bus at ligtas ang ina at ang kaniyang