Advertisers
Nagsagawa ng oritation ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng pagsisikap ng Caloocan Anti-Drug Abuse Office (CADAO) para sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na may layuning magkaroon ng maayos na transisyon at information-dissemination sa mga barangay na may tungkol sa mga programa laban sa droga.
May kabuuang 355 bagong halal na barangay officials at BADAC focal persons ang dumalo sa nasabing orientation program.
Nagpahayag ng pasasalamat si City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa mga barangay officials na dumalo sa nasabing programa at inulit ang kanyang panawagan sa lahat na patuloy na suportahan ang holistic anti-drug programs ng lungsod sa pamamagitan ng paglalapat ng mga nasabing aksyon sa kani-kanilang barangay.
“Maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa orientation na inihanda ng CADAO. Tunay po na malakas ang suporta ng mga bagong opisyal ng ating mga barangay sa mga programang kontra droga,” wika ni Mayor Along.
“Panawagan ko po sa lahat ng kapwa ko lingkod-bayan dito sa lungsod, ipagpatuloy po natin laban kontra droga dahil lahat po ng mga ito ay para sa kapakanan ng ating mga pinagsisilbihan,” pahayag ni Mayor Along.(BR)