Advertisers

Advertisers

Pagsusuot ng face shield inaaral na gawing mandatory narin sa publiko

0 318

Advertisers

NILINAW ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na hindi pa “mandatory” ang pagsusuot ng face shield.
Sa Laging Handa Press Briefing, sinabi ng kalihim na pinag-aaralan na rin ngayon ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na hikayatin ang publiko na magsuot ng face shield bilang dagdag proteksyon.
Aniya, may pag-aaral na ginawa na 99% ang proteksyon laban sa coronavirus kung nakasuot ng face mask at face shield.
“Kaya ho beyond the wearing of mask ini-encourage na rin po natin yung pagsusuot ng face shield lalo na po pag nasa public place, o nasa maraming tao, or nasa public transport,” ani Lopez.
Samantala, sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, Director of the Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng UPM-NIH, mas mabuti ang pagsusuot ng face mask kesa face shield.
Face mask pa rin umano ang unang depensa laban sa covid 19 at dagdag proteksyon lang ang pagsusuot ng face shield at talaga namang maganda kung pagsasabayin ang gamit nito.
“Hindi po replacement ang face shield sa mask. Puwede pong gamitin ang face shield on top of the mask,” ani Salvaña. (Jonah Mallari)