Advertisers
BUUNG-buo nang mararamdaman ang gigil at kaba kina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM de Guzman dahil mapapanood na ang “Linlang: The Teleserye Version” simula Enero 22 tampok ang mga bagong eksenang hindi pa ipinalalabas.
Gabi-gabi itong mapapanood ng 8:45 PM pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.
Siguradong masasagad sa gigil ang mga manonood dahil bukod sa never-before-seen scenes na ipakikita sa “Linlang: The Teleserye Version,” ipakikilala rin dito ang iba’t ibang kwento ng mga karakter at iba pang mga kaabang-abang na sikreto sa likod ng panloloko at paghihiganti sa serye.
Umiikot ang kwento ng serye sa panloloko at pagtataksil ni Juliana (Kim) sa asawa niyang si Victor (Paulo), isang dating sikat na boksingero na naging seaman. Matutuklasan ni Victor na may ibang lalaki si Juliana at ito ay walang iba kung ‘di ang kapatid niyang si Alex (JM), isang matagumpay na abogado.
Magiging tanging misyon ni Victor ang maibulgar ang lahat ng sikreto nina Juliana at Alex pero kapalit naman nito ang pagdiskubre niya sa mga masalimuot na katotohanan na maaaring ikawasak ng kanyang pagkatao at pamilya.
Kasama sa cast ng “Linlang” ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada. Kabilang din sa serye sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice. Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.
Sagarin ang gigil sa panonood ng “Linlang: The Teleserye Version” simula sa Enero 22 ng 8:45 PM pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.