Advertisers

Advertisers

3 moros dumayo sa Tondo para magtulak ng shabu, timbog

0 307

Advertisers

NALAMBAT ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang tatlong “dayo” na moros na ‘naglalako’ ng shabu sa buy bust operation sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang mga nadakio na sina Alvin Macadatar alyas “Tata”, 25, construction worker, ng Upper Bicutan, Taguig City; Adam Hanani, 21, construction worker, ng Pinagsama Village,Taguig City; at taxi driver na si Jumrin Halid, 48, ng Zamboanga St., Maharlika Village,Taguig City.
Sa ulat, 6:30 ng gabi nang ikasa ang buy bust operation sa may Hermosa St., malapit sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo, matapos na makipagtransaksiyon ang isang pulis na poseur buyer.
Nakasakay ng taxi na kulay puting Toyota Vios (AA1 -5741) ang mga suspek nang isagawa ang bentahan ng shabu.
Nang magkaabutan ng droga, dinakma ang mga ito ng mga nakaantabay na pulis, at nakuha sa mga ito ang may 68 gramo ng shabu na nagkakahalaha ng P455,600.00.
Sinampahan ang mga ito ng paglabag sa RA 9165, Dangerois Drug Act of 2002, sa Manila Prosecutors Office. (Andi Garcia)