Advertisers

Advertisers

BI officials sa ‘pastillas’ sinabon ni Pres. Duterte (‘Di naman pinakain ng pastillas

0 213

Advertisers

IPINATAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang 44 Immigration officials na pawang sangkot sa “pastillas scheme” nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 9.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang mga ipinatawag ay ang mga tauhan ng BI na nakatalaga sa airport na tumatanggap ng pera na suhol para makabilis na makapasok sa bansa ang mga Chinese nationals kung saan nakarolyo ang perang suhol sa papel na kapareho sa pastillas.
Nabatid na sinermunan at sinabon ng husto ni Pangulong Duterte ang mga tauhan ng BI.
Sa photo release ng Malacañang, may mga nakalagay na nakarolyong papel na kamukha ng pastillas sa mga upuan ng mga ipinatawag na BI officials.
Una rito, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ipinakain ni Pangulong Duterte ang mga pastillas na nasa upuan.
Pero ayon kay Sec. Guevarra, hindi totoong pastillas ang mga nasa upuan kundi perang nakarolyo kagaya ng pastillas.
Wala naman daw naglakas ng loob na umimik o sumagot habang nagsasalita si Pangulong Duterte.
Bukod kay Sec. Guevarra, kasama rin ni Pangulong Duterte sina Executive Sec. Salvador Medialdea at Sen. Bong Go. (Vanz Fernandez)