Advertisers

Advertisers

BGen. Vicente Danao bagong NCRPO chief

0 252

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagkatalaga ni Police Brig. Gen. Vicente Danao bilang susunod na pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, ito ay kasunod na rin ng pagkakatalaga kay Police Major General Debold Sinas bilang susunod na hepe ng Pambansang Pulisya, kapalit ni outgoing PNP Chief Camilo Cascolan.
Ayon kay Año, bagama’t pagpupulungan pa ng PNP board of generals ang pag-upo ni Danao sa naturang posisyon ay si Danao na ang napipisil ni Sinas na maging direktor ng NCRPO.
Si Danao ay kasalukuyang regional director ng CALABARZON PNP na una na rin nagsilbing district director ng Manila Police District (MPD). (Josephine Patricio)