Advertisers

Advertisers

Bangkay ng lalaki nakagapos sa poste sa QC

0 278

Advertisers

NAKATALI sa poste at nakabalot ng duct tape ang mukha ng bangkay ng lalaking natagpuan sa kanto ng NIA Road at BIR Road sa Barangay Pinyahan, Quezon City, Sabado ng umaga, Agosyo 1.
Ayon sa ulat, nakagapos sa likod ang mga kamay ng biktima gamit ang sinturon at may karatulang nakasulat na “Holdaper/snatcher pusher ako, wag tularan Sputnik BNG.”
Wala namang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima na nakasuot ng orange na t-shirt at pulang short.
Sa report, may tama ng bala sa ulo ang biktima at narekober sa crime scene ang 4 basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Ayon sa street sweeper na si Joanne Wendy Foranda, magwawalis na siya 5:00 ng umaga nang mapansin niya ang katawan ng lalaki.
Madilim pa umano sa lugar at muntikan pang damputin ng mga basurero dahil sa akalang basura ang nakalagay sa may poste.
Agad na humingi ng tulong sa barangay si Foronda at ini-report ang nakitang bangkay.(Boy Celario)