Advertisers

Advertisers

Publiko pinag-iingat sa pekeng COVID-19 test kits

0 290

Advertisers

NAGBABALA ang Food and Drugs Administration sa publiko hinggil sa pekeng COVID-19 test kits.
Kabilang sa mga ito ang may tatak na Wondfu 2019 at N-Co-Vi.
Base sa post marketing surveillance ng FDA, natuklasan na ang nasabing medical devise o test kits ay hindi sertipikado ng ahensya.
Nangangahulugan na hindi ito dumaan sa proseso ng pagsusuri dahil wala itong FDA special certification.
Babala ng FDA, hindi ito nakakasiguro sa kalidad ng produkto at kaligtasan ng mga gagamit sa nasabing produkto.
Una naring sinabi ni FDA Director Manager Usec Eric Domingo na huwag tatangkilikin ang mga produkto lalo kapag foreign character ang nasa label dahil ito ay maaring makaapekto sa kalusugan o may masamang maidudulot ito sa katawan ng isang tao. (Jocelyn Domenden)