Advertisers

Advertisers

Palayain si Leila

0 936

Advertisers

KUNG kami si Rodrigo Duterte, gagawa kami ng paraan upang lumaya si Leila de Lima. Hindi maganda na nananatili siyang nakapiit habang naghahanda si Joe Biden at Kamala Harris na manumpa bilang bagong pangulo at pangalawang pangulo ng Estados Unidos sa ika-20 ng Enero, 2021. Hindi na dapat hintayin ni Duterte ang matinding pressure na aabutin niya kung sakaling maupo si Biden.

Hindi si Biden ang makakalaban niya. Kalaban niya ang Kongreso at ang burukrasya ng Estados Unidos. Hindi niya kakampi ang State Department. Masahol sa anay ang tingin sa kanya ng mga Amerikano na umuugit ng pamahalaan. Walang anumang paggalang sa kanya.

Alam ni Duterte na mahina ang ebidensiya laban kay de Lima. Gawa-gawa lamang. Ginamit lang ni Duterte ang poder ng estado upang ipiit si de Lima na isang bilanggo ng konsensiya. Kung hindi palalayain si de Lima, malamang na ipitin siya ng gobyernong Biden.



Dalawang opisyal ng pamahalaan ang nagsabing walang ebidensya laban kay de Lima batay na rin sa kanilang testimonya sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205. Sinabi nina Artemio Baculi Jr., imbestigador ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), at Krystal Casenas, forensic examiner ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na walang koneksyon o transaksyon si de Lima sa mga drug convict na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa teleconferencing sa PNP Custodial Center na dinaluhan ni de Lima noong Biyernes, sinabi ni Boni Tacardon, abogado ng senadora, na, ipinatotoo ni Baculi na walang transaksyon sa pagitan nina Peter Co, Ronnie Dayan na kapwa akusado sa kasong ito. Unang sumalang si Baculi sa hukuman noong ika-25 ng Setyembre 25 at ibinahagi niya ang kanyang pagsisiyasat sa mga pinagsususpetsahang kasangkot sa transaksyon ng droga sa Bilibid, ngunit walang pera mula sa mga bank accounts na kanyang sinusuri papunta kina de Lima at kapwa akusado nitong si Jose Adrian Dera.

Ayon kay Tacardon, napakahalagang impormasyon ang ibinigay ni Caseñas sa kanyang testimonya. Iniharap ng prosecution si Caseñas. Mahalaga ito kasi napaamin niya sa pagtatanong tungkol sa cell phone extraction report na inilabas ng PDEA sa pamamagitan ni Caseñas na walang nakalagay na may transaction si Dera at si de Lima tungkol sa kalakaran ng ilegal na droga, ani Tacardon.

Saad ni Tacardon: “Sa hawak nilang mga cell phone na sinasabing pagmamay-ari ng mga drug lords, wala kung saan man doon na nakalagay na si Senadora de Lima ay naging parte ng isang drug transaction. Iyan ang crucial kanina lalo na sariling mga testigo ng prosecution yung mga nandoon.”

Hindi tinanggap sa korte ang salaysay ni Caseñas na nagpapahiwatig na si Peter Co ang may-ari ng mga siniyasat niyang cellphone na galing sa Bureau of Corrections sa dahilan na opinyon lang daw niya ito at walang sapat na basehan. Punto ni Tacardon, maaring nalabag ni Caseñas ang Cybercrime Law nang suriin ang mga cellphone nang walang kaukulang pahintulot.



“Lumalabas na unauthorized examination ang ginawa sa mobile phones na sinasabing pagmamay-ari ni Peter Co dahil hindi sila kumuha ng cyber warrant na hinihingi sa ilalim ng RA 10175 o yung Cybercrime Prevention Act,” wika ng abogado ni de Lima. Ani Tacardon, kapag hindi kumuha ng cyber warrant, hindi katanggap-tanggap ang resulta ng imbestigasyon at maaaring maharap ang nagsuri sa kasong kriminal at administratibo.

Naghain ang kampo ni de Lima ng dalawang hiwalay na motion for bail sa mga kasong isinampa sa kanya at iginigiit ang kawalan ng matibay na ebidensya ng prosekusyon. Sa mga oras na ito, hindi pa naglalabas ng desisyon si Judge Liezel Aquiatan na siyang may hawak sa mga kaso.

Mayroon tatlong kaso ng conspiracy to commit drug trading si de Lima na naihain nong ika-24 ng Pebrero 2017: Criminal Case Nos. (CC) 165 and 166 na kasalukuyang dinidinig bilang magkahiwalay na asunto sa Branch 205 ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC). Naantala ang pagdinig sa CC No. 167 dahil sa pagpapalit ng hukom. Natuloy lamang ang pagdinig noong ika-9 ng Oktubre dahil sa bagong huwes.

Natigil ang pagdinig sa CC 165 and 166 dahil sa lockdown. Naghain ng petisyon sa piyansa noong Hunyo at Agosto sa dahilan na walang maiharap ang gobyerno ng matibay na ebidensiya. Dedesisyunan na ang dalawang mosyon.

Bago naisalang si Baculi at Caseñas humarap ang dating PNP intelligence chief Benjamin Magalong, alkalde ng Baguio City at sinabing hindi siya nakatanggap ng ulat na kasangkot si de Lima sa anumang transaksyon sa droga sa Bilibid. Lumalabas na walang batayan ang asunto laban sa kanya. Marapat lamang bigyan siya ng piyansa para sa pansamantalang paglaya.

***

HINDI magkamayaw ang mga Fil-Am na kakampi ni Donald Trump sa pagsasabing nagkaroon ng dayaan sa halalang pampanguluhan sa Estados Unidos. Wala sanang suliranin sapagkat bahagi ng demokrasya ang pagsasabi ng saloobin. Maliban lang sa isang problema: Wala maiharap na matibay na ebidensiya ang kampo ni Trump.

Puro lang daldal, puro lang angas. Nasaan ang ebidensiya. Tapos na ang halalan at patuloy sila sa pagbibintang na pro-abortion at pro-China si Biden. Mukhang hindi nila alam na hindi tinanggap ng mga Amerikanong botante ang mga ganoong salita. Narito ang sinabi ni Ding Velasco, isang matinong netizen na hindi nakapagpigil magsalita sa mga angas ng mga Fil-Am.

“It’s no longer funny how Trump is being believed that there was massive fraud in the Nov. 3 elections. I pride myself as a keen election observer and although am not a lawyer, serious election lawyers will agree with me that once you don’t hold on to any shit found on the day of the Elections – your ‘election case’ is just a piece of gossip not worth the paper it’s printed on.

“Trump’s lawyers have filed suits versus the state election officials of Georgia, Arizona, and Nevada, which were all dismissed by the Federal Courts; only the suit they filed to segregate the ballots received after November 3 in Pennsylvania has been heard by the Court, but the number of ballots allowed for segregation is so small that even if all these ballots contained votes for Trump – it cannot affect the current lead of Joe Biden in Pennsylvania … which was why the networks led by CNN gave Pennsylvania’s 20 Electoral Votes to Biden at 12:24 Philippine time last Thursday.

“With the amount of fake blogs and tweets generated by the Trump camp being fed to their base to promote ‘the fraud committed by the Democrats on Donald Trump,’ the biggest loser will be the unsullied reputation of US Elections as one of the cleanest in the world – and the stupid Trumpers are abetting the degradation of the very core of US Democracy: elections that are honest and clean that paved the way for peaceful transfers of power for 240 years of US History.

If I am one of the Fil-Ams duped by Trump in this stupid charade – l would be very ashamed of myself.”