Advertisers

Advertisers

SIMBANG GABI SA BONIFACIO SHRINE – ISKO

0 388

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na magsasagawa ang Lungsod ng Maynila ng 8 p.m. to 9 p.m. na anticipated masses o ‘Simbang Gabi’ tuloy-tuloy hanggang bisperas ng Kapaskuhan sa Bonifacio Shrine, tabi ng Manila City Hall, simula sa December 15 ngunit ito ay sa ilalim ng istriktong pagtugon sa itinakdang health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Inatasan ni Moreno si department of tourism, culture and arts of Manila (DTCAM) chief Charlie Dungo na maglatag ng mga implementing rules sa nasabing event, kung saan ang mga mananampalatayang Katoliko ng iba’t-ibang tanggapan, departmento at ahensya ay makalahok at makatulong sa nasabing gawain.

Sinabi ni Dungo na sa ilalim ng inilatag na plano ng alkalde, ay magkakaroon ng single entry point na dadaanan ng mga magsisimba kung saan sila kukunan ng temperatura at obligado rin silang magsuot ng face face masks at face shields.



Ang araw-araw na misa ay isasagawa ng Minor Basilica sa Quiapo o ‘Quiapo Church.’

Ayon kay Moreno, ang layunin ng pagtatalaga ng iisang entry at exit ay upang matiyak na makokontrol ang tao at maipatupad ang health protocols dahil ang COVID-19 ay nasa paligid lang.

Ayon kay Dungo, inatasan ng alkalde ang DTCAM na magbigay ng libreng face shields sa mga dadalong wala nito o hindi makabili, dahil maraming natatanggap na ganitong donasyon ang lungsod.

Ang lugar na pagdadausan ng ‘Simbang Gabi’ ayon kay Dungo ay may kapasidad na mahigit 2,000 sa normal na araw pero dahil may pinaiiral na protocol ang bilang ng mga dadalo sa misa ay magiging 100 upang matiyak na maipapatupad ang required social distancing sa mga dadalo.

Idinagdag pa ni Dungo na pinag-usapan na rin nila ni Moreno ang plano sa pagtatalaga ng mga city personnel sa ilang simbahan upang matiyak na nasusunod ang pagsusuot ng face masks at face shields habang magsasagawa ng tradisyunal na ‘Simbang Gabi’.



Sinabi pa ni Moreno na para sa hindi makakadalo sa anticipated mass ng pisikal ay maaari rin namang tumutok sa misa online, dahil ito ay ie-ere ng live sa Facebook. (Andi Garcia)