Advertisers

Advertisers

Higit P.6m shabu huli sa 3 tulak

0 306

Advertisers

HIGIT sa P.6 million halaga ng shabu ang nasamsam mula sa tatlong drug suspects kabilang ang isang babae sa buy-bust operation ng pulisya, Huwebes ng gabi sa Maynila.
Kinilala ng District Director ng Southern Police District (SPD), Brigadier General Emmanuel Peralta, ang mga naaresto na sina Rowena Villanueva, 38, ng #1660 Juan Luna Street; John Edward Reyes, 19, ng 1864 Prudencia Street; at Dexter Batul, 24, ng 3744 Arqueros Street, pawang taga-Tondo, Maynila.
Sa report ng Makati City Police, 6:45 ng hapon nang madakip ang mga suspek sa panulukan ng1860 Prudencia at Arqueros Streets, Brgy. 55- Zone 4, Tondo.
Nagtungo ang mga Makati Police sa Tondo at nagpanggap ang isa sa mga operatiba na bibili ng droga na nagkakahalaga ng P100,000.00.
Nakuha sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P625,600.00, boodle money at cellular phone. (Jocelyn Domenden/Gaynor Bonilla)