Advertisers

Advertisers

3 pulis sangkot sa pagpapaputok ng baril masisibak

0 10

Advertisers

NANGANGANIB maalis sa serbisyo ang 3 pulis na sangkot sa pagpapaputok ng baril bago mag-Bagong Taon.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), kapag napatunayang nagkaroon ng kapabayaan sa paggamit ng kanilang baril ang naturang tatlong pulis na labas sa kanilang pagganap sa tungkulin, maaring maalis sa serbisyo ang mga ito.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Colonel Jean Fajardo, 1 sa 3 pulis na ito ay napaulat na nagpaputok ng baril bisperas ng bagong taon sa Zamboanga City.



Kinuha ng naturang pulis ang service firearm ng kanyang kasamahan at pinaputok ito sa likod ng kanilang istasyon habang nag-iinuman sila.

Kasalukuyang under restrictive custody ang naturang pulis at nahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal.

Habang ang 2 pulis na sangkot sa illegal discharge of firearms ay nangyari sa Malabon at Quezon City.

Sa kabuuan, nakapagtala ang PNP ng 13 kaso ng illegal discharge of firearms, at arestado ang lahat ng mga nasasangkot, habang 8 baril ang nakumpiska ng mga awtoridad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">