Advertisers

Advertisers

Paalala sa publiko: Mga deboto bawal na sumampa sa andas ng Nazareno

0 8

Advertisers

HINDI na maaring makasampa o makaakyat ang mga deboto sa andas ng Nazareno ngayong taon.

Ayon kay Fr. Hans Magdurulang, tagapagsalita ng Nazareno 2024, may maliit na pagbabago sa bagong andas na gagamitin sa Pista ng Nazareno.

Aniya, ang andas na gagamitin ay mayroong salamin para mapanatili na ang Nazareno lamang ang nakikita sa ibabaw ng andas.



“Ang ating pagpapanumbalik ay yung dating paraan, pagdiriwang na kungsaan higit na nakikita sa ibabaw ng andas ang imahe ng Nazareno dahil ang pagdiriwang na ito ay hindi tungkol sa atin lang na mga deboto. Higit sa lahat ito ay tungkol sa Nazareno kaya siya ang ating ipakita muli sa mga tao,” aniya sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

“Meron paring pagkakataon yung mga nagbabato ng panyo, nagpapahid ng bimpo. Merong 8 hijos sa ibabaw ng andas pero hindi sila nasa loob ng salamin kundi nasa labas ng salamin at halos ulo lamang nila ang kita dun sa ibabaw ng andas para higit pa ring makita ang imahen ng Nazareno lalo na yung nasa malalayong lugar at nasa kanilang mga tahanan yung imahen ng Nazareno.”

Ayon sa tagapagsalita, maaaring umabot sa 22 million ang mga deboto mula sa nobenaryo mula Disyembre 31 hanggang Enero 10, 2024.

Pinaalala rin niya sa mga deboto na papasok sa simbahan na magdala ng face mask at alcohol.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">