Advertisers

Advertisers

143 biktima ng paputok naitala sa Maynila

0 6

Advertisers

INULAT ng Manila Police District (MPD) na nakapagtala sila ng kabuuang 143 indibidwal na biktima ng paputok sa lungsod sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa inilabas na impormasyon ng MPD, nanatili sa pagamutan nitong Enero 1 ang 14 biktima.

Pinakamaraming naitalang biktima ang Raxabago Police Station 1 sa Tondo na may 33 kaso, kasunod ang Sampaloc Police Station 4 (29), at ikatlo ang Sta. Ana Police Station 6 (19).



Sa kabila nito, walang na-monitor na iligal na pagpapaputok ng baril habang nasa kasagsagan ng selebrasyon ng Bagong Taon.

Samantala, aabot sa higit P78,000 ng iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na paputok ang nakumpiska ng pulisya na ibinibenta sa mga kalsada ng Maynila.

Kabilang sa mga kinumpiska ang 500 rounds ng “Sawa”, Pla-Pla, Kingkong, Kwitis, Special Bawang, at naglalakihang fountains. (Jocelyn Domenden)