Advertisers
TATLO katao ang nasawi kabilang ang dalawang babaeng driver at isa ang kritikal sa magkakahiwalay na road accidents sa lalawigan ng Cavite nitong Sabado.
Sa ulat, ang unang aksidente ay sa kahabaan ng Aguinaldo Hiway sa Barangay Biga 1, Silang, 2:45 ng madaling araw, kungsaan magkaangkas sa motorsiklo ang 2 babae na nakilalang sina Ma. Virginia Juchelle Cañal, 34, driver ng motor, patay sa insidente; at backride nito na si Ma. Chenie Magatsina, 22, kritikal. Ang dalawa ay residente ng Las Piñas City.
Bandang 5:15 ng hapon habang papatawid sa Aguinaldo Highway, Brgy. Anabu 1-C, Imus City, si Carmelita Zabala, 54, may asawa, factory worker, ng 167 Brgy. Anabu 1-A, nang tumbukin ng isang Yamaha Mio Sporty Motorcycle (5726 XI) na minamaneho ng isang Gilbert Jill Ancheta Jr., 21, encoder, ng Sampaguita St., Villa Primarosa, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City.
Dakong 4:00 ng madaling araw naman nang sumemplang at diretsong sumalpok ang ulo ng isang rider habang bumabagtas sa Tanza-Trece road at Brgy. Punta 1, Tanza, Cavite.
Patay agad ang biktimang si Edcel B. Velencia, nasa hustong gulang, ng Brgy. Bagtas, Cavite.
Sa report, sakay ang biktima ng kaniyang Honda motorcycle (VO5848) at bumabagtas sa nasabing hiway nang sumemplang sanhi ng madulas na kalsada.(Irine Gascon)