Advertisers
TODO pasalamat ang ating mga kababayang natatrabaho sa Gitnang Silangan sa ipinahayag ng pamahalaan ng Saudi Arabia na mula sa Marso 2021 ay mas paluluwagin na ang kanilang kasalukuyang “kafala system” or “sponsorship system”.
Sa ilalim ng sistema ng kafala, hindi basta makakaalis o makakalipat ang mga empleyado ng walang pahintulot ng kanilang amo.
Sa bagong “Labor Relation Initiative” sa Saudi Arabia mas magkakaroon na ng kalayaan o job mobility ang mga migranteng manggagawa, hindi lamang ang mga Pilipino.
Tinatayang 865,121 Pilipino ang nagtatrabaho sa Saudi Arabia sa ngayon, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Matagal nang nagpapahirap ang kafala system na umiiral sa mga bansa sa Gitnang Silangan sa maraming Pilipinong nagtatrabaho roon. Pinaniniwalaang ang sistemang ito ang ugat ng mara-ming kaso ng pang-aabuso at pag-mamaltrato sa marami nating kababayan lalo na sa domestic helpers.
Naging malaking hamon para sa administrasyon ni Pangulong Rody Duterte ang problemang kinakaharap ng OFWs, lalo’t marami sa mga sumuporta sa kanya noong eleksyon ay mula sa sektor ng OFWs.
Ano ang mga hakbang na ginawa ng ating bansa upang maisulong ang reporma sa kafala, upang mapagaan ang kalagayan ng ating mga kababayan? Kailan ba nagsimula ang maigting na kampanya ng Pilipinas laban sa ‘di patas at ‘di makatarungang kafala system?
Noong 2018, buong tapang na ipinahayag ni Pangulong Duterte na ang Pilipino ay hindi maaring ituring na alipin ninuman saan mang bahagi ng mundo. Sinabi niya ito ilang araw pagkatapos matuklasan ang bangkay ng OFW sa Kuwait na si Joanna Demafelis na nakadanas ng matinding pang-aabuso sa kamay ng kanyang mga amo. Naging dahilan ito ng panandaliang pagpapahinto ng pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait at paglulunsad ng malawakang repatriation ng OFWs sa Kuwait na gustong umuwi ng Pilipinas.
Sa panahong ito, ang ngayo’y Conggressman Alan Peter Cayetano ang pinuno ng DFA. Tumindig ang gobyerno ng Pilipinas para mabigyan ng hustisya ang sinapit ng kawawang Pilipina sa kamay ng kanyang mga amo at sinimulan ang matinding kampanya para sa mas maayos at patas na pagtrato sa mga migran-teng mangggawa.
Noong panahong iyon ay kasagsagan din ng negosasyon ng Pilipinas para mabuo ang Global Compact of Migration, kauna-unahang United Nations Global Agreement na tutugon sa iba’t ibang pangangailangan at karapatan ng mga migrante sa buong mundo.
Naging kontrobersyal ang mga kumalat na video na nagpapa-kita ng “rescue operations” ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait. Sa kanilang pagliligtas sa mga kasambahay na inaabuso, hindi ikinatuwa ng gobyerno ng Kuwait ang ganitong mga gawain dahil tila paglabag sa kanilang soberenya. Pero
Noong kasagsagan ng isyu tungkol sa pag-kamatay ni Demafelis at paglabas ng kontrobersyal na video ng rescue operation, hindi natinag si Cayetano. Maraming bumatikos sa kagawaran at mga opisyal ng embahada noong panahong iyon, ngunit mas na-naig sa kanila ang kagustuhan na maisalba ang mga na-aapi at nanganganib na mga OFW.
Hindi binigo ni Cayetano si Duterte dahil pagkatapos lamang ng tatlong buwan, pagkatapos maiuwi ang bangkay ni Demafelis sa Pilipinas, ay napirmahan na ang bagong “Agreement on the Employment of Domestic Workers” sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas.
Sa liderato ni Cayetano, nagsimula ang pagsusulong ng DFA ng mga mahahalagang probisyon laban sa “kafala system” sa isang International Agreement na tinawag ng Global Compact for Migration o GCM.
Malaki ang ating tiwala sa kasalukuyang pinuno ng DFA na Teddy Boy Locsin na itutuloy niya ang inumpisahan ni Cayetano laban para sa mas ligtas at mas kumportableng buhay ng OFWs.