Advertisers

Advertisers

Save USA, Sagip kapatid!

0 227

Advertisers

Tuwang-tuwa ang maraming player ng NBA sa resulta ng halalan sa Estados Unidos.

Una sa turnout ng mga botante kahit pa pandemic era. Breaking records daw. Sa ngayon nasa 62.4% pero projected na aabot sa 66.3% matapos makumpleto ang bilangan..

Posible itong pinakamalaking porsyento sa kasaysayan ng USA. Noong 1908 ay naka-65.7 samantala noong 1960 ay 63.8%. Noong 2016 ay naka-60.1%.



Todo kampanya nina LeBron James na makilahok ang mga kwalipikadong tao sa botohan. Tumagal nga ang counting kasi marami ang mailed-in na mga balota.

Sa pagkapanalo ni Joe Biden ay nagpahayag ng kasiyahan sina LBJ at iba sa social media account nila.

Gumawa pa si King James ng meme na supalpal ni Biden si Trump. Aktuwal na letrato nila yon ni Andre Igoudala na pinalitan niya ng mga mukha ng dalawang kandidato.

Tunay na malaki naging papel nila sa pagpigil kay Donald Trump ng isa pang term.

***



Siyempre hindi natin maaasahan na gawin din yan ng mga PBA player sa darating na eleksyon.

Una takot mga may-ari at mga basketbolista sa maaaring reaksyon ng pamahalaan. Baka balikan daw sila.

Pangalawa, marami rin sa kanila mga walang paki. Mga pansariling interes lang ang inaasikaso.

Bihira ang may tunay na malasakit sa bayan.

***

Hindi talaga maiiwasan na pagdudahan na nagkakaroon ng bigayan ang mga sister team sa PBA.

Noong isang pitak ay tinalakay na natin ito kung paano nagsimula at ang hindi magandang epekto sa liga.

Sa malaking panalo ng Beermen sa league-leading GinKings 81-66 ay muling nabuhay ang isyu. Dangkasi kung natalo ang SMB ay posible pa sila masipa agad sa Clark bubble samantala kahit maolat ang Barangay Ginebra ay sila pa rin magnumero uno basta’t madaig nila ang Terrafirma sa huli nilang laban.

Balewala ang paliwanag ni Coach Time Cone kasi mismo mga tagahanga nila ay asar sa ganitong gawi. Kulang sa playing time sina Stanley Pringle at LA Tenorio. Kesyo yung bigger picture daw kanilang tinitingnan. Ayaw daw niyang mapagod masyado o magka-injury pa mga key cagers niya. Kung sabagay may katwiran nguni’t sa isang ordinaryong fan ay nais sulit ang panonood niya parati.