Advertisers

Advertisers

IPHONE NI DOLE SEC. BELLO NABAWI NA, 4 NA SNATCHER AT NAKABILI KAKASUHAN

0 266

Advertisers

KUMPLETO na ang apat na snatchers ng cellphone nang iharap kay Labor Secretary Silvestre Bello ng Manila Police District (MPD kahapon ng hapon matapos dalawa pang suspek ang nadakip at isang lalaking nakabili ng nakaw.

Ang mga suspek ay kinabibilangan ng isang 15-anyos, estudyante na residente ng Sta. Mesa, Maynila na siyang mismong naghablot ng cellphone kay Bello; at 17-anyos estudaynte ring nakatira sa Quiapo, Maynila, na dinakip sa follow-up operation kamakalawa ng gabi.

Una nang nadakip ang isang 17-anyos at isang 18-anyos na kabilang sa mga suspek na nagturo sa kanilang kasamahan at sa pinagbentahan ng Iphone 11 pro max na nagkakahalaga ng P79,900. Kaya inaresto din ang isang Omar Marojom Sidic, 28-anyos, negosyante, na nakabili nito.



Dahil sa menor de edad, inalok pa ni Bello ang apat na suspek na bigyan ng trabaho o negosyo at gusto nang umurong sa pagsasampa ng reklamo.

Paliwanag naman ni MPD-Theft and Robbery Section chief, P/Major Joselito Ocampo, ang mga suspek ay may previous records na ng robbery snatching at pawang mga miyembro ng gang.

Dahil dito, sinabi ng kalihim na hahantayin na lamang niya ang magiging resulta ng imbestigasyon ng pulisya at ang ibibigay na rekomendasyon laban sa mga suspek.

Kahapon nang hapon nang isailalim sa inquest proceedings ang mga suspek sa paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code (robbery snatching) at paglabag sa Presidential Decree 1612 (anti-fencing law) naman laban sa buyer na si Sidic.

Una rito, pinuri naman ni Manila Mayor Isko Moreno sa isinagawang flag raising ceremony sa Bonifacio Shrine ang MPD sa pagkakadakip sa mga snatchers at buyer ng nakaw na cellphone.



Kabilang sa mga ito sina P/Capt. Virgilio Platon, P/Master Sgt. Manuel Pimentel, P/S/Sgt. Dequito, P/Corporal Robin Bautista, P/Cpl. Escano, P/Cpl. Serafin Galpo Jr., at P/Cpl. Valencia. (ANDI GARCIA)