Advertisers
PITUMPO’T tatlong (73) barangays sa Lungsod ng Maynila ang pinarangalan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso dahil sa pagpapanatiling “zero” Covid-19 cases sa kanilang lugar sa loob ng dalawang buwan.
Mismong ang alkalde ang nag-abot ng P100,000 cash incentives sa nasabing mga barangay
Kabilang sa mga barangays na nakatanggap ng incentives ang 12 barangays: District 1, 9 barangays; District 2 (20); District 3 (9); District 4 (10); District 5, at 13 barangays sa District 3.
Matatandaan na inanunsyo ng alkalde noong August 31 na bibigyan ng incentives ang mga barangay na makakapagtala ng “zero” Covid-19 infection ng dalawang buwan.(Jocelyn Domenden)