Advertisers

Advertisers

Alden handang iwan ang showbiz ‘pag nagkapamilya na

0 12

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

INIHAYAG ni Alden Richards na if ever dumating ang lovelife at magkaroon ng family, pwede raw niyang iwan ang showbiz.

Gulat  ang netizens sa inihayag ng aktor kaya naman ratsada ito sa pagtanggap ng projects.



Pagpapatunay na meron itong proyekto na ipalalabas bago pa matapos ang taon na entry sa Metro Manila FilmFestival.

Bukod sa film ay may mga nakakasa rin si Alden na concert sa loob at labas ng bansa.

Maliban sa konsiyerto ay ibinida rin ni Alden na meron itong International film na posibleng sa New York kunan.

Gulantang ang netizens sa binitawang salita ni Alden if ever makita na nito ang kanyang ideal wife.

Ayaw naman nito mamili or mag-compromise kung taga showbiz or not.



Basta nga raw if ever na magka- family na ito ay handa nitong iwan ang kanyang showbiz career.

Aminado ang aktor na di nito kaya pagsabayin ang showbiz at family.

Gusto rin daw ni Alden  na masubaybayan at makita ang paglaki ng kanyang mga magiging anak.

At kung puwede siya bumalik eh ubra naman na  bumalik ito na siyang plano ng aktor kapag nagkaroon na ng pamilya.

***

GRACE AT JOEL, SANIB PUWERSA PARA SA PAG-UNLAD

DAHIL sa pagtutulungan ng mag- asawang Grace at Joel sa kanilang negosyo ay kita  ang pag unlad ng kanilang kabuhayan.

Kundi nga raw sa tandem nitong mag asawang Grace at Joel ay di  mapapasakanila ang tagumpay na kanila ngayong tinatamasa.

Inihayag ng mag asawa na naging matagumpay ang kanilang negosyong pangkabuhayan dahil sa Sipag, Tiyaga at Determinasyon or STD.

Patotoo pa ng pamangkin ni Gemma Valderrama na si Grace, bumuhos ang biyaya at suwerte dahil sa bigay sa kanila na budha. Bukod sa budha ay hinaluan ng mag asawa ng sipag, tiyaga at determinasyon kaya napagtagumpayan nila ang kanilang negosyong  itinayo.

Galing naman! Well, well, well…Yun na,!