Advertisers

Advertisers

‘SUPPRESS THE NUMBERS’ – ISKO

Caroling bawal sa Maynila:

0 269

Advertisers

“SUPPRESS the numbers.”

ITO ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, kaugnay ng patuloy na layunin ng pamahalaang lokal na lalo pang pababain hanggang sa tuluyang mawala na ang kaso ng COVID tulad na rin ng ginawa ng may 73 barangay kung saan tumanggap sila ng P100,000 bawat isa dahil sa pagiging COVID-free sa looob ng dalawang buwan.

Sa isang panayam sa Bonifacio Shrine matapos ang regular flag-raising ceremony, sinabi ni Moreno na base sa bilang na nagmula at naberipika ni Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, ang kaso na naitatala ay nasa 500 sa loob ng nakalipas na dalawang linggo at umaasa sila na mapapababa pa ito sa 400 o mas mababa pa.



Samantala ang budget allotment para dito ay inasikaso ng Manila City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna bilang presiding officer.

Sa pagbibigay parangal sa nasabing bilang ng barangay na hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID ay sinabi ni Isko na dapat magtanong ang mga kalapit nilang barangay kung paano nila nagawa ang zero covid sa loob ng dalawang buwan.

Sinabi pa ni Moreno na kung kikilos ng pare-pareho ang mamamayan ng lungsod ay matatalo ang COVID at unti-unti ay mabubuhay at sisiglang muli ang ekonomiya.

Kabilang sa mga barangay na nabigyan ng cash incentives ay ang mga Barangays 3, 8, 30, 44, 83, 87, 124, 126, 127, 139, 143, at 145 sa District 1; Barangays 188, 217, 239, 240, 243, 244, 252, 258, at 261 sa District 2; Barangays 268, 270, 271, 272, 273, 295, 300, 303, 306, 307, 326, 330, 332, 344, 348, 349, 362, 363, 380, at 390 sa District 3; Barangays 446, 462, 469, 490, 501, 546, 552, 573, at 577 sa District 4; Barangays 661, 706, 711, 716, 742, 663-A, 749, 757, 758, at 795 sa District 5 at Barangays 606, 608, 610, 613, 614, 626, 635, 647, 853, 865, 886, 891, at 895 sa District 6.

“Ang goal natin ay zero COVID-19 infection for two months sa barangay, and I believe that you can do it. That is why we want to give you incentives,” sabi ni Moreno.



Sa pareho ding interview ay sinabi ni Moreno na bawal ang Christmas carolling sa lungsod pero puwede ang i Christmas bazaars.

Ayon pa kay Moreno ay aatasan niya si business permit and licensing office chief Levi Facundo na siyang mag-asikaso nito at manghikayat ng mga nagnanais na sumali sa Christmas bazaars para kumita.

“While we still focus principally on suppressing the COVID cases, we will also find ways to create job opportunities in the city amid the pandemic,” paninigurado ni Moreno

Mahigpit din ang bilin ni Moreno sa mga mag-o-operate ng bazaars na istriktong sumunod sa na health protocols na pinatutupad ng national government, dahil aniya nasa paligid lamang ang COVID kaya’t mainam ang madalas na pagsusuot ng face masks, madalas na paghuhugas ng kamay at mag-social distancing. (ANDI GARCIA)