Advertisers

Advertisers

Vice Ganda buking ang mga gamit pambabae sa condo raid kay Ryan

0 246

Advertisers

Ni Archie Liao

CLOSE sina Ryan Bang at Vice Ganda sa isa’t isa. Kaya hindi na nakapagtataka na hindi ikinabigla ng una na pumunta ang sikat na komedyante sa condo unit niya para  i-house raid ito.

Tsika ni Vice, iyon na ang bahay ni Ryan sa loob ng sampung taon. Noong hindi pa umano nakalipat at nakapundar ng sariling bahay si Vice, malapit lang din doon ang kanyang tinitirhan.



Pambubuking pa ni Ryan, maliit lamang ang bahay ni Vice noon pero pumupunta anya siya para makikain.

Sey pa ni Vice, Vice proud siya sa narating ni Ryan. Nakabili na umano ito ng sarili niyang condo at buong palapag umano ang nabili niya.

Marami naman ang naintriga sa mga bagay na natagpuan sa closet ni Ryan. May mga gamit na pambabae. Kabilang sa mga nakita doon ay sanitary napkin at damit na pambabae.

May mga napapaisip kung bakit may ganoon sa condo ni Ryan pero hindi naging lingid sa kaalaman ng publiko na may kasintahan si Ryan na kamakailan lang ay isinama niya sa kanyang music video.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">