Advertisers
NAKAPAGTALA pa ng 2,442 na karagdagang kaso ng Covid-19 sa bansa habang 11,430 ang gumaling at 54 naman ang namatay. Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, nasa 396,395 na ang tinamaan ng naturang sakit sa bansa, 6.9% (27,218) ang aktibong kaso, 91.2% (361,638) na ang gumaling, at 1.90% (7,539) ang namatay. Sa mga bagong naitalang mga kaso nitong Linggo, Nobyembre 9, 2,200 o 90% ang nangyari sa nagdaang dalawang linggo mula October 26 hanggang November 8. Ang mga probinsya at syudad na nakapagtala ng mataas na kaso ay Rizal na may 138. Pumangalawa naman ang lungsod ng Maynila na mayroong 131, sa Benguet, 130 at 113 sa Batangas habang 112 naman sa Bulacan. Sa 54 deaths, nangyari ang 39 ngayong November, 12 noong October at 2 noong september habang 1 noong August. Ang mga pumanaw ay mula sa Region 6 na umabot sa 11; NCR,10; region 3,9; region 4A,8; Region 11,5; CARAGA, 3; tig 2 naman sa Region 1,7,8 at 1 naman sa Region 9 at Region 10. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)