Advertisers

Advertisers

Problema sa WPS, nangangailangan ng bagong solusyon – PBBM

0 8

Advertisers

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagpapanatili ng kapayapaan at pagsunod sa batas ng kaayusan ay nananatiling pundasyon ng dayuhang patakaran ng Pilipinas sa gitna ng lumalalang geopolitical tension sa Asya.

Sa panayam ng media sa Tokyo, Japan, binigyang-diin ng Pangulo na magpapatuloy ang bansa sa pagtatatag ng malalakas na pagkakaibigan sa mga kaalyado na kapareho nito ng pananaw.

Aniya, ang pagiging agresibo ng China ay nagdudulot ng tunay na hamon sa mga kapitbahay nito sa rehiyon.



Sa usapin naman ng umiiral na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na kanyang inilarawan bilang ‘trahedya’, sinabi ni PBBM na wala sa mundo ang nagnanais na magsimula ng bagong alitan, lalo na sa Asya.

Idinagdag ni Pangulong Marcos na ang mga bagong problemang ito ay mangangailangan ng mga bagong solusyon at laging bukas ang Pilipinas sa ideya ng paghahanap ng bagong solusyon.

Binanggit din ng Pangulo na lumalawak ang ugnayan ng Pilipinas at Japan na itinuturing niyang ‘napakagandang halimbawa ng ebolu-syon.’

Matatandaang ang Pilipinas ay naging unang benepisyaryo ng Japanese Official Security Assistance (OSA).

Si Pangulong Marcos ay nasa Japan para dumalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit. (Gilbert Perdez)