Advertisers
APRUBADO na ng Asian Development Bank (ADB) ang nasa $650-million loan ng Pilipinas para pondohan ang Bataan – Cavite Interlink Bridge (BCIB) project.
Ito’y matapos lagdaan nina Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno at ADB Philippine Office country director Pavit Ramachandran ang first tranche loan na ginanap sa ADB headquarters sa Ortigas Center.
Una nang inaprubahan ng ADB ang loan na nasa $2.11 billion o nasa P118.32 billion para sa construction ng 32.15-kilometer Bataan-Cavite Interlink Bridge at maituturing na isa sa longest marine bridges sa mundo sa sandaling makumpleto ito.
Pahayag naman ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, ang nilagdaang loan agreement ay mahalaga para maisakatuparan ang BCIB project na kumukunekta sa Bataan at Cavite provinces across Manila Bay.
Ang first package ay ang construction ng five-kilometer land approach kabilang ang interchange sa Bataan habang ang package 2 ay ang construction ng 1.35-kilometer land approach kabilang ang interchange sa Cavite.
Ang iba pang mga packages ay binubuo ng 20.65-kilometrong Marine Viaduct sa Hilaga at Timog sa ilalim ng Packages 3 at 4; at 2.15-kilometrong North Channel Bridge para sa Package 5 at 3.15-kilometrong South Channel Bridge para sa Package 6.
Ang ika-7 package ay kinasasangkutan ng project-wide ancillary works.
Ang nasabing proyekto ay naka linya sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Ayon sa Department of Finance ang Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) project sa Manila Bay ay sumailalim sa masusing pag-aaral at lalong lalakas ang ekonomiya na kumukunekta sa Souther Luzon at Central Luzon sa loob lamang ng isang oras.
Binigyang-diin ni Finance Undersecretary Edita Tan, namuhunan ang gobyerno sa malawakang paghahanda para sa proyekto, partikular sa limitasyon ng disenyo ng proyekto sa Cavite lamang.
“There’s no way because they thoroughly studied it, we actually invested in the preparation of the project and iyong pag-design niyan,” pahayag ni Tan.
Ang nasabing tulay ay kabilang sa 197 priority infrastructure Flagship Projects ng gobyerno.