Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
PINAG-USAPAN ang hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Maraming nataranta, nagulat na nauwi lang ang labing isang taong relasyon nila sa hiwalayan.
E, kamakailan nagkasama sa isang award giving body sina Daniel at Kathryn at maraming mata ang nakatuon sa kanila. May isang female director na nagsabing handa niyang hawakan ang proyekto basta ang KathNiel ang mga bida.
Wow naman, madaling naka-recover ang dalawa as in moved on. Isa pa, di natin masabi na may balikan blues sa dalawa. Depende kung mapapatawad ni Kathryn si Daniel.
Oops, remember, walang katotohanang aalis ng ABS-CBN si Kath, “she will always be a Kapamilya,” Mom Min Bernardo said.
Aba, sikat ever si Kath she got 2 million likers as in naragdagan ang kanyang followers.
Kayo, dear readers…type nyo pa bang magkabalikan ang KathNiel? Gimik lang ba ang hiwalayan ng dalawa?
***
JANAH ZAPLAN WALANG PAHINGA SA SHOWBIZ EVENTS
DAMING showbiz activities na naging panauhin si JANAH ZAPLAN. Naging panauhin siya sa Net 25 Music and Letters, PDI anniversary, pinarangalan na isang Hall of Famer ng Aliw Awards. Naging panauhin sa show ni Papa Awhel Paz at may oras pa magpasaya sa Enchanted Kingdom sa Laguna.
Tuloy pa rin ang promosyon sa digital platform, AM and FM station sa kanyang awitin na “Pasko’y Nagbabalik.”
Siya ang singer-performer na walang pahinga sa syobis. May oras pa rin siya sa pag-aaral niya sa pagka-pilot. We congratulate her parents mommy Dencie at daddy Boyet na both supportive sa kanyang showbiz career at pag-aaral.
May nag-suggest, sana raw ay pag-isipan ni Janah na mag-training as model in preparation sa pagpasok niya sa beauty pageant. Isa pang Christmas wish namin ay muling magkaroon siya ng solo concert kung saan may dance number siya na ala-Sarah Geronimo. Yes, she’s the only one who can justify sa song and dance. Anyway, happy anniversary to Janah’s parents.