Advertisers

Advertisers

2 hackers huli nang mag-withdraw sa bank account ng iba

0 207

Advertisers

TIMBOG ang 2 lalaki nang mabistong nagwi-withdraw ng pera sa bank account na hindi kanila at walang pahintulot mula sa may-ari.
Napansin ang aktibidad ng dalawa nang mag-withdraw ang mga ito ng over the counter noong Oktubre 26 ng P10,000 sa branch ng isang bangko sa A. Bonifacio Avenue sa Quezon City.
Habang pinoproseso ng negosyanteng biktima ang reklamo sa bangko, muling nag-withdraw ng P11,000 ang mga suspek sa branch naman sa Retiro Avenue noong Oktubre 29.
Dahil sa ikalawang pag-withdraw, tinanggal ng biktima ang lahat ng pera niya sa account pero nabatid kalaunan na pati ang kaniyang virtual wallet ay nagamit din ng mga kawatan.
Noong Nobyembre 3, mu-ling nagtangka mag-withdraw ng P10,000 ang mga suspek sa A. Bonifacio branch pero dahil nakaalarma sa bangko ang insidente, naaresto ang mga suspek.
Sa presinto, nabuking na ang mga suspek din pala ang kumukubra ng mga remittance para sa biktima gamit ang ID ng isang empleyado ng biktima.
May notebook din ang suspek kungsaan may listahan ng mga pangalan, email address at phone number.
Nagbabala si Police Maj. Joseph Villaran, public information officer ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group, sa hacking na madalas nangyayari sa online selling portals.
Sa selling portals daw kasi naibibigay ng mga posibleng biktima ang kanilang mga personal na detalye.(Boy Celario)