Advertisers
PATAY ang dalawang tulak ng droga, habang nakatakas ang dalawa pa sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Bulacan.
Kinilala ang napatay na sina Eric Sandoval alyas “Kabo”, dating nakulong sa kasong droga at carnapping, residente ng Barangay Nayon, Baliwag; at Jeremie Garcia alyas “Diego” ng Brgy. San Martin IV, San Jose Del Monte (SJDM).
Sa report, ikinasa ang operasyon laban kay Sandoval at sa kanyang kasabwat 4:00 ng madaling araw nitong Biyernes sa Brgy. Sto. Cristo, Baliwag.
Napatay naman si Garcia habang nakatakas ang kanyang kasabwat nang makipagbarilan sa mga pulis 1:10 ng madaling araw sa Sitio Hulo, Brgy. Sapang Palay proper, (SJDM) nitong Sabado. (James de Jesus)