Advertisers

Advertisers

Teves ‘di nagsumite ng counter affidavit sa kasong terrorist financing

0 3

Advertisers

BIGO ang kampo ni dating Negros Oriental Representative Arnie Teves na maghain ng counter affidavit sa kasong ‘financing terrorism’ na isinampa ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice.

Sa preliminary investigation, tanging si Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, ang dumalo sa pagdinig.

Ayon kay Topacio, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng reklamo ng NBI.



Kasama rin sa kinasuhan ang anak ni Arnie Teves na si Axl.

Inatasan ni Senior Assistant State Prosecutor Florencio Dela Cruz ang kampo ni Teves na isumite ang kanilang kontra salaysay sa December 19.

Si Teves ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 at Anti-Terrorism Act of 2020. Bunsod ito sa mga ebidensya na nag-uugnay sa mag-amang Teves na nagbibigay ng pinansyal na suporta sa aktibidad ng mga terorista.