Advertisers
TUMAOB ang isang bangka sa gitna ng dagat habang may kargang patay sa loob ng kabaong, na na-rescue sa Barangay San Pedro, Cantilan, Surigao del Sur nitong Miyerkules.
Nakatanggap ng report ang PCG Sub-Station Cantilan mula sa isang concerned citizen na may lumubog na pumpboat sa dagat na may kargang patay sa kabaong at tatlong pasahero.
Matagumpay na nailigtas ng rescue team ang mga pasahero pati ang patay sa kabaong.
Ayon sa PCG Sub-Station Cantilan, patungo sa kabilang nayon ang mga sakay ng bangka para ilibing sa sementeryo ang patay, ngunit nakasagupa ng malalaking alon sa laot kung kaya tumaob ito. (Jocelyn Domenden)