Advertisers

Advertisers

Dating bgy. kapitan, 7-anyos na anak patay sa ambush

0 4

Advertisers

NASAWI ang isang dating kapitan at anak nitong 7-anyos nang tambangan sa Villaba, Leyte noong Lunes.



Agad namatay ang biktima na si Danilo Mates, 57 anyos, dating kapitan ng Barangay Casilion sa nasabing bayan, dahil sa tinamo nitong 17 tama ng bala sa katawan, dalawa tumagos sa ulo nito.

Nalagutan naman ng hininga ang anak nitong si Dan Kyle habang ginagamot sa Gatchalian Hospital sa Ormoc City dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Masuwerteng nakaligtas ang asawa ng biktima na si Marivic, 52, na nagtamo lang ng mga galos nang matumba ang motorsiklong sinasakyan nilang mag-anak.

Ayon sa report, magkakaangkas ang mag-anak sa motorsiklong minamaneho ng ama nang paulanan sila ng bala ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Barangay Casilion 5:00 ng hapon.

Tinutukoy pa ang motibo sa krimen dahil wala na sa puwesto ang biktima para patayin ito.

Nabatid na campaign leader ng isang politiko sa bayan ang biktima.

Iniimbestigahan din ng pulisya kung may koneksiyon ang pamamaslang sa dating punong barangay sa pagpatay sa isang bodyguard ng nasabing politiko.