Advertisers

Advertisers

GLOBAL SIKARAN NATIONAL TOURNAMENT ‘23 SISIKAD NGAYON SA PASIG

0 5

Advertisers

WALONG club teams ang magtatagisan sa pagsikad ng Global Sikaran National Tournament 2023 ngayon( Sabado) Disyembre 9 sa Villa Gloria Covered Court, Bgy Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinabibilangan ito ng punong- abalang Wildcat-Pasig,SPA-Antipolo, Sikaran Masbate, Sikaran Highlanders- Morong, Leopard Sikaran -Taytay, Elephant Sikaran-Las Pinas, Raven Sikaran- Tanay at Red Eagle Sikaran-Taguig.

Ayon kina organisador Master German Patino ng host Wildcat-Pasig kaagapay si Master Manuel Banaag ng Global Sikaran -Tanay,sa timon ni Master Crisanto Cuevas ang torneong may basbas ng Global Sikaran Federation( GSF) sa pamumuno ni founder/ president Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag ay pampinaleng torneo kung saan ang amamayagpag ang siya national champion ng buong taong 2023.



“ Kalahok sa torneo ang cream of the crop ng mga koponang sikaran sa nasyunal na aspeto kaya handa na lahat, bakbakan na!”, wika ni Cuevas.

Ang sport na Sikaran na nagbuhat sa Baras, Tanay at Morong ay lumawig sa bansa hanggang international at naging bantog global sa pagsisikap ni multi-awardee GM Hari Osias Catolos Banaag at kinilala na rin ng International Council of Traditional Sports and Games ng Unesco na kamakailan lang ay binisita ang bansa nina Japan ICTSG executives Baba Yuko at Tetsuya Tsuda at kanilang nasaksihan ang pagsikad ng tradisyunal na sport na Sikaran.

“We support the development of Sikaran that is traditional sport in your country especially for young student athletes because of GM Osias and Master Crisanto’s effort and determination,”wika ni Yuko sa panayam.” We are ready to support”.ani Tsuda. (Danny Simon)