Advertisers
ISA sa pinakamagandang atraksyon tuwing nalalapit ang kapaskuhan ay ang pagpapakita ng mga ilaw sa sa tabi ng Lawa para magbigay ng liwanag at ipahiwatig na ang diwa nang pagmamahalan sa Pasko ng Taguig ay karapat-dapat.
Ang pinakamalaking parke ng ilaw sa bansa, ang “Christmas by the Lake,” ay babalik sa Nob. 29 sa City of Taguig’s Lakeshore complex, na nag-iimbita ng mga Taguigeño at mga bisita.
Ngayong taon, ang magandang 6-ektaryang tanawin sa tabi ng Laguna Lake ay nangangako ng mas nakakasilaw na pagpapakita ng mga ilaw at atraksyon, na nagtatampok ng mga Instagram-worthy na lugar na gagawing tunay na hindi malilimutan ang kapaskuhan.
Ipinagmamalaki ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ang kanilang ‘Probinsyudad’, isang lungsod kung saan mai-enjoy ang finest amenities of a modern city pero napaka-unique dahil mararamdaman dito ang charm ng isang probinsya na hindi makakakita ng lungsod sa Metro Manila.
Sa pagpasok, sasalubungin ang mga bisita ng malawak na Concert Grounds, na pinalamutian ng isang maringal na Christmas tree na pinaliliwanagan ng libu-libong ilaw. Nagtatampok din ang lugar ng mga food kiosk at isang stage na nagho-host ng mga kapana-panabik na kaganapan sa buong season.
Ang Lights of Christmas Park ay umaalingawngaw ng mga disenyo at instalasyon na tunay na mabibighani sa pakiramdam at pupunuin ang iyong puso ng kagalakan.
Ang Graffiti Tunnel, isang black light art na karanasan, ay nagpapakita ng mga nakamamanghang mural ng mga lokal na artist gamit ang mga fluorescent na materyales. I-pause para sa isang larawan sa “I Love Taguig” installation o ang hand heart, at makipag-ugnayan sa Giant Coloring Floor. I-explore ang Heart Tower at ang 3D Lighted Church, isang maningning na replica ng makasaysayang Santa Ana Church na itinayo noong 1587 at itinalaga bilang minor basilica noong 2022.
Dito rin makikita ang mahigit isang dosenang mga atraksyon gaya ng mahiwagang Dancing Light Tunnel at tuklasin ang mga mapang-akit na silhouette na nilikha ng mga ilaw na itlog. Magpose sa tabi ng “prism trees” para sa perfect blend of nature, sining, at geometry. Pagnilayan ang buhay habang naglalakbay ka sa Maze of Life.
Ang isa pang highlight sa TLC Park ay ang Aqua Luna Lights and Sounds Show na nagtatampok ng mga laser at beam animation na naka-synchronize sa magagandang sound effect, kabilang ang isang kahanga-hangang palabas sa aerial lights. Huwag palampasin ang “Ang Regalo ni Kaimana,” isang palabas na puno ng mga aral sa buhay na tumutugtog tuwing 30 minuto simula alas-6 ng gabi.
Magpakasawa sa gastronomic break sa TLC Food Park, galugarin ang food strip sa kahabaan ng Laguna Lake, at tapusin ang iyong paglalakbay sa Mercado Del Lago Food Park.
Magugunita na noong nakaraang taon, naging atraksyon sa mga bisita ang The Walkway of Lights, na nag-aalok ng pathway na puno ng mga nagniningning na display at magagandang tanawin. Para sa dagdag na kaginhawahan, ang pagsakay sa village train ay magagamit para sa mga nakatatanda, mga taong may kapansanan, at mga buntis na kababaihan.
Ang Lights of Christmas ay pet-friendly kaya maaaring dalhin ng mga bisita ang kanilang mga furbabies. Gayunpaman, ang mga maliliit na lahi na aso at pusa lamang ang pinapayagan. Dapat silang magkaroon ng updated na anti-rabies vaccine. Dapat din silang nakatali at may suot na diaper habang nasa loob ng atraksyon.
May mga nakatalagang parking area para sa mga bumibisita na may mga sasakyan. Onsite din ang mga medics at police.
Ang Liwanag ng Pasko ay bukas sa publiko hanggang Enero 14, 2024. (JOJO SADIWA with Photos by: CESAR MORALES )