Advertisers
Sugatan ang isang bagitong pulis at 13-anyos na estudyante nang tambangan ng mga hindi pa nakikilang salarin sa Cotabato City noong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang pulis na biktima na si Patrolman Diosdado Olubalang Mosela, 28, miyembro ng Regional Forensic Unit Bangsamoro Autonomous Region (RFU BAR), at residente ng Upi, Maguindanao na tinamaan ng bala sa pisngi at balikat.
Nadamay naman ang 13-anyos na estudyante nang tamaan ng ligaw na bala mula sa mga salarin.
Sa ulat, naganap ang insidente 7:00 ng umaga sa kahabaan ng De Mazenod Ave., Barangay RH 5 ng lungsod na ito.
Lulan ng kanyang motorsiklo ang pulis at papasok na sana ito sa kanyang trabaho ng tambangan at barilin ng hindi pa kilalang lalaki.
Tiyempong napadaan din ang dalagitang estudyante sa lugar na tinamaan din ng ligaw na bala.
Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang salaein habang ang pulis at ang estudyante naman isinugod sa pinakamalapit na pagamutan kung saan sila nagpapagaling.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril gayundin ang pagkakakilanlan ng salarin.