Advertisers

Advertisers

2 Tsekwa at 1 Pinay huli sa prosti den sa Pasay

0 4

Advertisers

Inaresto ang dalawang Chinese nationals at isang Filipino na nagpapatakbo ng isang prostitution den sa isang condominium unit sa Pasay City.

Sa ulat, nagpo-post ang mga suspek ng mga litrato ng mga babae, na tila nagmo-modeling, sa pamamagitan ng messaging application.

May mga nakasulat ditong Chinese characters, na paraan umano para maibenta ang mga babae sa mga Chinese national.



Nagkakahalaga ang bawat transaksyon mula P4,000 hanggang P16,000.

Tumutuloy ang mga babae sa condominium sa Pasay City, at dito rin makikipagkita ang mga ito sa kanilang mga kliyente.

Sa paggalugad ng mga awtoridad sa nasabing unit, aabot sa 13 Filipina ang nasagip.

Narekober din ang mga cell phones na ginagamit sa kanilang online transactions.

Nadiskubre ng Department of Information and Communications Technology – Cybercrime Investigation and Coordinating Center (DICT-CICC), ang illegal na aktibidad sa lugar.



“There were some reports kasi if a lot of text blasting coming from this area, hinanap natin kung nasaan. Dito natin nakita ‘yan,” ani Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay Deputy Executive Director (DICT-CICC).

Nagawa namang matunton ito ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, at madiskubre ang nangyayari sa naturang condominium.

“As part of the evidence na gagamitin natin dito, of course, ‘yung mga transactions na nakuha natin, and then ‘yung mga usapan sa mga chat groups nila. Almost 100% ng mga nagca-cater dito sa prostitution den na ito ay karamihan Chinese,” sinabi ni Undersecretary Gilbert Cruz, Executive Director, PAOCC.

Sasampahan ng kasong human trafficking ang tatlong naarestong suspek.