Advertisers

Advertisers

Negosyante natagpuang patay sa loob ng kotse

0 261

Advertisers

ISANG lalaking negosyante ang natagpuang patay sa loob ng kanyang kotse sa Mabalacat City, Pampanga.
Ayon sa ulat, nakita ang bangkay ng isang residente sa loob ng nakaparadang sasakyan sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay Mabiga na may tama ng bala ng baril sa ulo.
Kwento ng saksi, napatingin siya sa sasakyan makaraang mapansin na may tumatagas na dugo mula sa pintuan nito.
Agad nitongg ini-report sa baranggay, kungsaan rumesponde naman ang mga pulis.
Inaalam na ng mga awtoridad kung sino-sino ang huling nakasama ng biktima at nakikipag-usap narin sila sa mga kalapit na establisimyento na may CCTV na posibleng makapagbigay ng linaw sa krimen.(PFT team)